Resolusyon laban sa Islamophobia, pinagtibay ng UNGA

2024-03-17 11:19:22  CMG
Share with:

Kasabay ng International Day to Combat Islamophobia sa Marso 15, pinagtibay ng Pangkalahatang Asemblea ng United Nations (UNGA) ang resolusyong magbibigay-dagok sa Islamaphobia.


Kinokondena ng resolusyon ang lahat ng aksyon ng panunulsol sa panrelihiyong pagkapoot, at pagpukaw ng diskriminasyon, ostilidad, at karahasan laban sa mga Muslim.


Hinimok din nito ang mga kasaping bansa na isagawa ang lahat ng kinakailangang hakbangin upang bigyang-dagok ang pagkapoot at marahas na aksyon laban sa mga Muslim.


Humingi ang resolusyon sa Pangkalahatang Kalihim ng UN na inomina ang isang espesyal na sugo sa usaping ito.


Salin: Lito

Pulido: Rhio