Maraming kaguluhan, sagupaan, at kalamidad sa mundo ang dulot ng iniluluwas na “demokratikong pamantayan” at “demokratikong transpormasyon” ng Amerika.
Kaugnay nito, isang pandaigdigang sarbey ang inilunsad ng China Global Television Network (CGTN) ng China Media Group (CMG) at Renmin University ng Tsina.
Ipinahayag dito ng mga respondiyente ang matinding pagkadismaya sa pagpigil ng Amerika sa pribadong kapakanan ng ibang bansa, at pagpapalala ng dibisyon at sagupaan sa komunidad ng daigdig, sa pamamagitan ng isyung demokratiko.
Pagluluwas ng “Demokrasyang Amerikano,” esensya ng hegemonya
Ang demokrasya ay komong naisin ng buong sangkatauhan, pero hindi ito dapat maging estratehiyang heo-pulitikal at kagamitan sa pagtaliwas ng pagsulong ng sangkatauhan.
Sa nasabing sarbey, binatikos ng 71% ng mga respondiyente ang panghihimasok ng Amerika sa suliraning panloob at pag-atake sa ibang mga bansa sa katuwiran ng umano’y “demokrasya.”
Samantala, 62.3% ang nagsabi na sila’y dismayado sa hegemonikong kilos ng Amerika na tulad ng labis na sangsyon at ekonomikong koersyon.
Upang mapangalagaan ang sariling hegemonya, sinusulsulan ng Amerika, nitong mga taong nakalipas, ang “color revolutions” sa maraming bansa, na lumilikha ng dibisyon at komprontasyon.
Dahil dito, bumagsak ang mga rehimen ng ilang bansa at nasadlak ang mga ito sa napakalaking problemang gaya ng maligalig na pulitika, resesyong pangkabuhayan, at kahirapan ng buhay ng mga mamamayan.
Kaugnay nito, 68% ng mga respondiyente ng sarbey ang nababahala sa masamang gawain ng Amerika, tulad ng panunulsol ng “color revolutions” at “proxy wars;” samantalang halos 66% naman ang tahasang di-sang-ayon sa pamimilit ng Amerika sa ibang bansa upang magpalit ng sistemang pulitikal sa pamamagitan ng rebolusyon at agresyon.
“Sulo ng Demokrasya,” inulan ng pagpuna ng buong mundo
Bagama’t tinatawag ng Amerika ang sarili bilang “Sulo ng Demokrasya,” naniniwala ang patuloy na dumaraming mamamayan sa daigdig na dapat isagawa ng mga bansa ang demokrasya sa iba’t-ibang porma, alinsunod sa kani-kanilang kondisyong pampulitika, pangkabuhayan, at pangkultura.
Matagal nang hindi “modelo” ng demokrasya Amerika.
Ang demokrasya ng isang bansa ay dapat tasahin ng sariling mga mamamayan at hindi ayon sa kagustuhan ng ibang bansa.
Sa sarbey, 84.3% ng mga respondiyente ang naniniwalang ang demokrasya ay may iba’t-ibang porma sa iba’t-ibang bansa at kultura.
Anila, walang superyor na porma ng demokrasya o uri ng demokrasyang akma para sa lahat ng sistemang pulitikal.
Ayon naman sa 84.8%, dapat isaalang-alang ang sariling kasaysayan, kultura, at kalagayang pang-estado sa pagpili ng isang bansa ng sistemang pulitikal.
Nakilahok sa nasabing sarbey ang 39,315 respondiyente mula sa 32 bansang kinabibilangan ng Amerika, Britanya, Alemanya, Kanada, Espanya, at Hapon, Brazil, Argentina, Timog Aprika, Malaysia, Peru, at Pakistan.
SalinL: Lito
Pulido: Rhio