Kilos-protesta, ikinasa ng ilang libong Israeli, laban sa aksyon ng kanilang pamahalaan sa Gaza Strip

2024-03-17 11:15:07  CMG
Share with:

Nagpotesta, Marso 16, 2024 (lokal na oras) sa Tel Aviv ang ilang libong Israeli bilang pagkondena sa polisyang militar ng kanilang pamahalaan sa Gaza Strip.


Hiniling din nila ang agarang pagbibitiw sa tungkulin ni Punong Ministro Benjamin Netanyahu.


Ipinanawagan ng mga demonstrador ang agarang pagkakaroon ng tigil-putukan sa Islamic Resistance Movement (Hamas) at pagsasagawa ng mas maraming hakbang upang mapalaya ang mga bihag na Israeli.


Nagsagupaan sa nasabing rali ang panig pulisya at mga demonstrador.


Salin: Lito

Pulido: Rhio