Pagtitigil ng pagsalakay ng Israel sa Rafah, ipinanawagan ng WHO

2024-03-17 11:16:40  CMG
Share with:

Ipinahayag Marso 16, 2024 (lokal na oras) ni Direktor-Heneral Tedros Adhanom Ghebreyesus ng World Health Organization (WHO), ang malubhang pagkabahala sa ulat tungkol sa plano ng Israel na magpadala ng sundalo sa lunsod Rafah sa katimugan ng Gaza Strip.


Nanawagan siya sa Israel na itigil ang pananalakay sa lunsod na ito.


Sinabi ni Ghebreyesus na dahil sa malaking populasyon sa Rafah at bagsak na kondisyon ng serbisyong medikal, ibubunsod ng paglala ng sagupaan ang malaking bilang ng kasuwalti at kasakitan.


Kailangang iwasan ang paglala ng makataong krisis sa Gaza Strip, dagdag pa niya.


Salin: Lito

Pulido: Rhio