Pangulong Tsino, bumati kay Putin sa panunungkulan muli bilang presidenteng Ruso

2024-03-18 18:57:38  CMG
Share with:

Isang mensahe ang ipinadala Marso 18, 2024 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Vladimir Putin bilang pagbati sa kanyang panunungkulan muli bilang presidente ng Rusya.


Tinukoy ni Xi na ang pagkapanalo ni Putin sa halalang pampanguluhan ay lubos na nagpapakita ng suporta ng mga mamamayang Ruso sa kanya.


Nananalig aniya siyang sa pamumuno ni Putin, tiyak na makakamit ng Rusya ang mas malaking tagumpay sa pag-unlad ng bansa.


Nakahanda ang Tsina na panatilihin ang mahigpit na pakikipagkoordina sa panig Ruso upang mapasulong ang sustenable, malusog at matatag na pag-unlad ng komprehensibo’t estratehikong partnership ng dalawang bansa sa makabagong panahon at benepisyunan ang kani-kanilang mga mamamayan, dagdag ng pangulong Tsino.


Salin: Lito

Pulido: Ramil