Proaktibong patakarang pinansyal, isasakatuparan ng Tsina

2024-03-18 16:42:42  CMG
Share with:

Sa kanyang artikulo, Marso 16, 2024, binigyan-diin ni Lan Fo’an, Ministrong Pinansyal ng Tsina, ang kahalagahan ng proaktibong patakarang pinansyal upang mapatibay at mapasulong ang pagbangon ng kabuhayan ng bansa.

 


Ibinahagi rin niya ang pangako ng Ministri ng Pinansya upang isakatuparan ang diwa ng Central Economic Work Conference (CEWC) at espisikong hakbang na nakalahad sa Government Work Report.

 

Dapat tuluy-tuloy na isakatuparan ang proaktibong patakarang pinansyal, saad niya.

 

Kailangan aniyang pahigpitin ang koordinasyon sa pagitan ng patakarang pampinansya at buwis, at patakaran ng trabaho, para palawakin ang pagkakataon ng empleyo.

 

Dagdag ni Lan, dapat magsikap ang lahat para pasulungin ang matatag na operasyon ng pinansya, at matamo ang sustenableng pag-unlad.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio