Relay satellite na Queqiao-2, matagumpay na inilunsad

2024-03-20 16:43:41  CMG
Share with:

Lulan ng Long March-8 rocket, matagumpay na inilunsad, Marso 20, 2024 mula sa Wenchang Space Launch Center, lalawigang Hainan sa dakong timog ng Tsina ang bagong relay satellite na Queqiao-2.

 

Ang Queqiao ay nangangahulugang “tulay ng ibong magpie.”

 


Bilang “masusing bahagi” ng susunod na misyon ng eksplorasyon sa Buwan, ipagkakaloob ng Queqiao-2 ang serbisyo ng komunikasyon sa pagitan ng Mundo at Buwan.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio