Chun Fen, dumating na!

2024-03-20 15:12:57  CMG
Share with:


Ayon sa Nong Li o Tradisyunal na Kalendaryong Tsino, ngayong araw, Marso 20, 2024 ay tinatawag na Chun Fen o Spring Equinox.

 

Ito ang ika-4 sa 24 na solar term, at tatagal hanggang Abril 4.

 

Sa panahong ito, kaugalian ng mga Tsino na magdaos ng iba’t-ibang aktibidad na gaya ng pamamasyal sa mga parke, pagmamasid sa makukulay na bulaklak, at pagpapatayo ng itlog.

 

Sa pamamagitan ng mga ito, ipinapahayag ng mga Tsino ang hangarin sa pagkakaroon ng suwerte at bukas-bisig na pagsalubong sa Tagsibol.

 

 

Salin: Kulas

Pulido: Rhio