Pagliligtas at pangangalaga kay elepanteng Loong Loong

2024-03-21 16:14:02  CMG
Share with:


Noong 2021, isang uri ng halaman ang nakasugat kay elepanteng Loong Loong, at ang sugat ay matinding nagnana.

 

Mabuti naman na siya ay iniligtas ni Bao Mingwei, isang beterinaryo ng Wild Elephant Valley, Prepekturang Awtonomo ng Lahing Dai ng Xishuangbanna, Lalawigang Yunnan ng Tsina.

 

Matapos ang pagsusuri, natuklasan ni Bao na ang sugat ay superpisyal na trawma lamang, at walang pinsala sa buto.

 

Dalawang buwan pa lamang noon si Loong Loong at kailangan niyang uminom ng gatas.

 

Ngunit ang problema ay, wala makitang pamalit sa gatas ng elepante dahil sa laman nitong espesyal na nutrisyon.

 

Kaya ayon sa karanasan, sinubukan ng mga beterinaryo na gamitin ang gatas ng kambing.

 

Kada anim na buwan, ginagawa nila ang pagsusuring medikal sa elepanteng ito, sinusuri ang kanyang dugo para malaman ang kondisyon ng katawan niya.

 

Mabuti naman at nagtagumpay ang paraang ito at siya ngayon ay malusog na lumalaki.

 

Noong iniligtas si Loong Loong, 180 kilo lamang siya. Ngayon, 1,000 kilo na! (AI-generated Video)

 

 

Salin/Video: Kulas

Pulido: Rhio