Mensaheng pambati, ipinadala ng Tsina at Dominica sa isa't-isa: ika-20 anibersaryo ng relasyong diplomatiko, ipinagdiwang

2024-03-24 10:48:53  CMG
Share with:

Sa kanyang mensahe, Marso 23, 2024 kay Pangulong Sylvanie Burton ng Dominica, sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na nitong 20 taong nakalipas sapul nang maitatag ang relasyong diplomatiko ng Tsina at Dominica, nananatiling maunlad ang relasyon ng kapuwa bansa sa mataas na lebel, tumitibay ang pagtitiwalaang pulitikal, kapansin-pansin ang natamong bunga ng pragmatikong kooperasyon, at lumalalim ang pagkakaibigan ng mga mamamayan.


Ani Xi, lubos niyang pinahahalagahan ang pag-unlad ng relasyon ng Tsina at Dominica.


Kasama ni Burton, nakahandang magsikap si Xi upang mapalalim ang kooperasyon ng dalawang bansa sa iba’t-ibang larangan at likhain ang mas magandang kinabukasan ng relasyon.


Ipinahayag naman ni Burton ang pasasalamat sa ibinibigay na suporta at tulong ng Tsina.


Nakahanda aniya siyang magsikap kasama ni Xi para walang patid na mapalalim ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan upang magkasamang maharap ang mga hamong pandaigdig.


Salin: Lito

Pulido: Rhio