Hinarang at pinaalis, Marso 23, 2024 ng China Coast Guard (CCG) ang Unaizah May 4 (UM4), bapor pansuplay ng Pilipinas, Ren’ai Jiao.
Kaugnay nito, sinabi nang araw ring iyon ng tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina (MOFA), na sa kabila ng mahigpit na pagtutol ng panig Tsino, lantarang ipinadala ng panig Pilipino ang isang bapor pansuplay at dalawang bapor ng Philippine Coast Guard (PCG) sa nakapaligid na karagatan ng Ren’ai Jiao ng Nansha Qundao ng Tsina.
Aniya, tangka ng mga itong maghatid ng materyal-pangkonstruksyon upang kumpunihin at patatagin ang BRP Sierra Madre, na sinadyang isadsad sa lugar.
Alinsunod sa batas ng Tsina, isinagawa aniya ng CCG ang kinakailangang hakbangin at hinarang ang UM4 at mga barko PCG.
Dahil dito, nabigo ang tangka ng panig Pilipino, aniya.
Sinabi pa ng tagapagsalitang Tsino na ang Nansha Qundao na kinabibilangan ng Ren’ai Jiao ay teritoryo ng Tsina, at ang karapatang ito ay nabuo at natiyak sa proseso ng mahabang kasaysayan, at angkop sa pandaigdigang batas.
Dapat agarang itigil ng panig Pilipino ang probokationg aksyon upang maiwasan ang pagkasira ng kapayapaan at katatagan sa South China Sea, saad niya.
Sinabi pa niyang kung patuloy na kikilos ang panig Pilipino ayon sa sariling kagustuhan, tiyak at patuloy na isasagawa ng panig Tsino ang hakbangin para pangalagaan ang sariling soberanya ng teritoryo at karapatan at kapakanang pandagat.
Dapat isabalikat ng panig Pilipino ang lahat ng resulta nito, diin niya.
Salin: Lito
Pulido: Rhio