Gawain sa pagpigil at pagbibigay-lunas sa tuberculosis sa Changsha, dinalaw ng unang ginang ng Tsina

2024-03-24 15:47:46  CMG
Share with:

Upang alamin ang progreso sa gawain ng pagpigil at pagbibigay-lunas sa tuberculosis, dumalaw kamakailan si Unang Ginang Peng Liyuan ng Tsina, sa Distritong Yuhua, lunsod Changsha, probinsyang Hunan, gawing timog ng Tsina.

Kasama ni Peng sina Wang Hesheng, Pangalawang Direktor ng Pambansang Komisyon ng Kalusugan, at Zhang Yingchun, Bise-gobernador ng Hunan.

Sa ilalim ng temang “Kapit-bisig Tayong Magpunyagi Para Wakasan ang Pagkalat ng Tuberculosis,” ipinagdiriwang ngayong araw, Marso 24, 2024 ay Ika-29 na World Tuberculosis Day.


Salin: Lito

Pulido: Rhio