Terorostikong pagsalakay sa Moscow, kinondena ng Tsina

2024-03-24 10:50:53  CMG
Share with:

Malaking bilang ng mga nasawi at nasugatan ang resulta ng teroristikong pagsalakay, Marso 22, 2024, (lokal na oras) sa Crocus City Hall sa Moscow, kabisera ng Rusya.


Kaugnay nito, ipinahayag Marso 23 ng tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina ang lubos na pagkabahala, at ipina-abot ang malalim na pakikidalamhati at taos-pusong pakikiramay sa mga nasugatan at kamag-anakan ng mga nasawi.


Aniya, tinututulan ng panig Tsino ang lahat ng porma ng terorismo, mahigpit na kinokondena ang anumang teroristikong pananalakay, at matatag na sinusuportahan ang pagsisikap ng pamahalaang Ruso sa pangangalaga sa pambansang seguridad at katatagan.


salin: Lito

Pulido: Rhio