Premyer Tsino, nagtalumpati sa China Development Forum 2024

2024-03-24 15:51:41  CMG
Share with:

Beijing — Sa kanyang talumpati, Marso 24, 2024 sa taunang China Development Forum 2024, sinabi ni Premyer Li Qiang ng Tsina, na dahil sa malakas na pamumuno ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) kung saan ang nukleo ay si Xi Jinping, nakaranas ng presyur ang Tsina mula sa labas, nakahulagpos sa mga kahirapang panloob, at naisakatuparan ang pangunahing hangarin at misyon ng pag-unlad ng kabuhayan at lipunan noong nakaraang taon.


Sa kasalukuyan, walang patid aniyang lumalakas ang tunghin ng pagbuti ng kabuhayan, mabilis ang paglaki ng mga bagong modelo ng industriya, at nananatiling malakas ang pleksibilidad, malaki ang potensyal, at sapat ang kasiglahan ng kabuhayang Tsino.


Hindi nagbabago ang pundamental na kalagayan ng pagbuti ng pambansang kabuhayan, dagdag niya.


Ipinagdiinan niyang sa pamamagitan ng pragmatiko at mabisang aksyon, isusulong pa ng Tsina ang de-kalidad na pag-unlad upang magkaloob ng mas maraming katiyakan at positibong puwersa sa pagbangon at matatag na pag-unlad ng kabuhayang pandaigdig.


Ang taunang pulong ng China Development Forum 2024 ay itinaguyod ng Sentro ng Pananaliksik sa Pag-unlad ng Konseho ng Estado ng Tsina.


Dumalo sa seremonya ng pagbubukas ang mga 400 personaheng kinabibilangan ng mga puno ng pandaigdigang organisasyon, dalubhasa at iskolar na Tsino at dayuhan, negosyante, at mga opisyal.


Salin: Lito

Pulido: Rhio