Industriya ng pagmamanupaktura, itinataguyod ng lalawigang Guangdong

2024-03-28 16:45:02  CMG
Share with:


Itinataguyod ng industriya ng pagmamanupaktura ng lunsod Foshan, lalawigang Guangdong ang didyitalisasyon at intelihenteng transpormasyon.

 

Kapansin-pansing mahigit 50% ng malalaking industriyal na bahay-kalakal sa lunsod ay matagumpay na lumipat sa didyital na transpormasyon.

 

Sa Shunde, isa nang komprehensibong kadena ng industriya ang paggawa ng robot na sumasaklaw sa iba't-ibang sektor.

 

Noong Enero ngayong taon, ipinatupad ng lokal na pamahalaan ang bagong polisiya para suportahan at bigyan ng subsidya ang mahahalagang proyekto at plataporma ng inobasyon. (AI-generated Video)

 

 

Salin/Video: Kulas

Pulido: Rhio