Kilalanin ang Nauru

2024-03-28 16:27:54  CMG
Share with:


Ang Nauru ay napakaliit na isla sa Karagatang Pasipiko. Ito ay ikatlong pinakamaliit na estado sa buong mundo, na sumasaklaw sa humigit-kumulang 21 kilometro kuwadrado.

 

Ang kalupaan nito ay bahagyang mas malaki kaysa sa Internasyonal na Paliparan ng Los Angeles. At ang populasyon nito ay humigit kumulang 13-libo.

 

Bago pa man natuklasan ng mga tao ang Nauru, nagsilbi itong pahingahan ng mga ibon. Ginamit ng mga ibong dagat ang islang ito bilang kanilang personal na palikuran.

 

Sa paglipas ng mga taon, tumigas ang dumi ng ibon, iniwanan ang lupain na mayaman sa pospeyt.

 

Ang phosphate ay isang pinakamahalagang sangkap sa pataba. Pagkatapos makamit ang kalayaan noong 1968, nagawa ng Nauru na kumita ng malaki mula sa kalakalan ng pospeyt.

 

Dahil dito, noong 1975, ang GDP per capita ng bansa ay tinatayang nasa limampung libong dolyares, pumapangalawa lamang sa Saudi Arabia.

 

Ang pagmimina ng pospeyt ay dating lakas-panulak sa likod ng pag-unlad ng Nauru. Ngunit, ang likas na yaman ay may hangganan.

 

Kaya tumitingin ang bagong pamahalaan sa ibang sektor. Nilalayon nito ang higit pang kooperasyon sa pagtatayo ng imprastraktura at umaasa na mapapalakas din ang industriya ng turismo nito.

 

Sa pamamagitan ng pag-iba-iba ng mga industriya nito, ang pag-unlad ng Nauru ay magiging mas sustenable, at hindi na ito aasa sa dumi ng mga ibon para sa kasaganaan nito. (AI-generated Video)

 

 

Salin/Video: Kulas

Pulido: Ramil