Sa paanyaya ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, isinagawa, Enero 1 hanggang 5, 2023, ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. ang dalaw-pang-estado sa Tsina.
Sa panahong iyon, malalim at matapat na nagpalitan ng kuru-kuro ang dalawang lider tungkol sa situwasyon ng South China Sea (SCS). Ipinagdiinan nilang hindi kabuuan ng bilateral na relasyon ang hidwaan sa SCS.
Samantala, sinang-ayunan ng kapuwa panig na matibay na alalahanin ang diwa ng “Memorandum of Understanding ng Pamahalaan ng Tsina at Pilipinas Tungkol sa Kooperasyon sa Paggagalugad sa Langis at Gas” na kanilang nilagdaan noong 2018, at sa pundasyon ng mga natamong bunga, napanumbalik ang kaukulang pagsasanggunian sa lalong madaling panahon upang benepisyunan ang dalawang bansa at kanilang mga mamamayan.
Ngunit nitong ilang araw na nakalipas, sa pagpukaw at panunulsol ng Amerika at ilang bansa sa labas ng rehiyon, umigting ang tensyon sa pagitan ng Tsina at Pilipinas sa isyu ng SCS na nagresulta ng biglang paglamig ng relasyon ng kapuwa bansa at pagsuspendi ng gawain ng magkasamang paggagalugad sa SCS.
Nahaharap ngayon sa mahigpit na hamon ang mapagkaibigang kooperasyong Sino-Pilipino.
Walang anumang hinanakit sa isa’t isa ang dalawang bansa sa kasaysayan, at ang kasalukuyang pinagtatalunan ng kapuwa bansa ay alitan sa soberanya lang.
Sa kabila ng napakalapit na distansya, di katulad ng Espanya, Amerika, at Hapon, hindi kailanma’y sinalakay at kinolonya ng Tsina ang Pilipinas. Ngunit, hinihiling ng ilang pulitiko at media ng Pilipinas at mga bansang Kanluranin na ilarawan ang Tsina bilang “bully” sa opinyong publiko sa daigdig upang iligaw ang kaalaman ng mga mamamayang Pilipino sa Tsina at isyu ng SCS.
Sa totoo lang, may mahigit isang libong taong pagkakaibigan at mahalagang komong kapakanan ang Tsina at Pilipinas, at malakas din ang pag-unlad ng kabuhayan ng kapuwa bansa.
Sa aspekto ng turismo, 490 libong person-time lang ang mga turistang Tsino sa Pilipinas noong 2015; makaraang panumbalikin ang relasyong Sino-Pilipino, pumalo sa 1.74 milyong person-time ang mga turistang Tsino sa Pilipinas, kasunod ng Timog Korea.
Ayon sa datos ng Departamento ng Turismo ng Pilipinas (DOT), noong unang dalawang buwan ng kasalukuyang taon, 82,313 Tsino ang naglakbay sa Pilipinas. Mas malaki ito ng 235% kumpara sa gayunding panahon ng nagdaang taon, at ang Tsina ay nagsisilbing ika-3 pinakamalaking bansang pinangagalingan ng mga turista ng Pilipinas.
Ayon sa ulat, pinagpaplanuhan ng mga kompanyang Tsino at Pilipino na ilunsad ang direktang lipad mula Beijing, kabisera ng Tsina patungo sa Negros, Bohol, Cebu, Boracay, Davao, at iba pang lugar.
Kung walang patid na lumalapit ang “psychological distance” sa pagitan ng Tsina at Pilipinas, paniniwalang makakaakit ng mas maraming turistang Tsino ang Pilipinas na may espesyal na kasaysayan at kultura at mga panturistang lugar.
Noong 2016, nilampasan ng Tsina ang Hapon bilang pinakamalaking trade partner ng Pilipinas, at nananatili sa posisyong ito hanggang sa ngayon.
Pangunahing sanhi ng napakabilis na pag-unlad ng relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at Pilipinas ay mabungang pag-unlad ng estrukturang pangkabuhayan ng kapuwa bansa, at bentaheng heograpikal ng Tsina kumpara sa Amerika at Hapon.
Noong isang taon, nakamit ng durian ng Pilipinas ang permiso ng pagpasok sa merkadong Tsino, at ang Pilipinas ang naging ika-3 bansang nakakuha ng pahintulot sa pagluluwas ng durian sa Tsina, kasunod ng Thailand at Biyetnam.
Nitong nagdaang 6 na taong singkad, lumalahok ang Pilipinas sa China International Import Expo (CIIE) sa Shanghai, at tumataas taun-taon ang halaga ng pagbebenta nito.
Sa Ika-6 na CIIE noong 2023, umabot sa 1.1 bilyong dolyares ang kabuuang halaga ng pagbebenta ng delegasyong Pilipino. Mas malaki ito ng 67% kumpara sa 660 milyong dolyares ng ika-5 CIIE.
Minsang naging ikalawang pinakamalaking ekonomiya ang Pilipinas sa Asya.
Ngunit dahil sa kahinaan ng bansa sa konstruksyon ng mga imprastrukturang gaya ng daam-bakal, expressway, at subway, naaapektuhan ng malaki ang sustenable at matatag na paglaki ng kabuhayan ng Pilipinas; samantala, mataba ang lupain ng Pilipinas, kung ibayong patataasin ang lebel ng konstruksyon ng instalasyong patubig, magkakaroon ng mas malaking espasyo ang pag-unlad ng kakayahan ng produksyong agrikultural.
May malaking bentahe ang Tsina sa mga larangang ito.
May sapat na pondo, sulong na teknolohiya at malakas ang kakayahan ng konstruksyon ng Tsina.
Sa ilalim ng pag-uugnayan ng “Belt and Road” Initiative at “Build, Build, Build,” hanggang noong 2022, halos 40 proyektong pangkooperasyon ang nilagdaan ng mga pamahalaan ng Tsina at Pilipinas.
Hanggang sa pagtatapos ng termino ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ng Pilipinas, 17 sa mga ito ang natapos na nakakapagpatingkad ng malaking papel sa pagpapahupa ng presyur ng komunikasyon sa mga lunsod, pagpapabuti ng buhay ng mga mamamayan, pagpapataas ng episensiya ng paggamit ng tubig at kuryente sa agrikultura, at iba pang aspekto.
Noong Hunyo ng 2021, sinimulan ang konstruksyon ng Kaliwa Dam sa ayuda ng Tsina.
Makaraang kumpletuhin ang proyektong ito, mabisa nitong mapapahupa ang pangangailangan ng mga residente sa Manila sa tubig.
Ipinahayag ni Carlos Dominguez III, dating Kalihim ng Pinansya ng Pilipinas, na kung maagang isinulong ang konstruksyon ng Kaliwa Dam, hindi lalabas ang mga problema ng kakulangan sa suplay ng tubig.
Minsa’y sinabi ni dating Pangulong Duterte na ang kanyang pagkahalal bilang pangulo ng bansa ay para bigyang-serbisyo ang bawat mamamayan at buong bansa, sa halip ng sinuman, anumang organisasyon o anumang grupong pangkapakanan.
Sa tingin ko, ito ang posibleng dahilan ng pagpapanatili ng mataas na support rate kay Duterte sa kanyang termino.
Ngayo’y nasa crossroad ang relasyong Sino-Pilipino na nahaharap sa pagpipilian.
Kung lalamig ang relasyong Sino-Pilipino, bebenepisyunan lamang nito ang Amerika na nais pigilan ang Tsina at panatilihin ang hegemoniya sa pamamagitan ng isyu ng SCS, at sisirain ang kapakanan ng mga mamamayan.
Tulad ng mga mamamayang Tsino, nananabik ang mga mamamayang Pilipino sa pag-unlad ng kabuhayan ng bansa at pagbuti ng pamumuhay.
Dapat isaalang-alang ng mas marami ng kasalukuyang pamahalaang Pilipino ang pragmatikong kapakanan ng mga mamamayan, at pakinggan ang mas maraming totoong tinig ng mga mamamayan nito upang gumawa ng tamang pagpili.
May-akda / Salin: Lito
Pulido: Ramil