Milos Vucevic, nominado bilang susunod na PM ng Serbia

2024-03-31 11:07:55  CMG
Share with:

Ipinatalastas Marso 30, 2024 ni Pangulong Aleksandar Vucic ng Serbia ang pag-nomina kay Milos Vucevic, kasalukuyang Pangalawang Punong Ministro at Ministro ng Tanggulang Bansa, bilang kandidato sa pagka-Punong Ministro ng bagong pamahalaan.


Sa isang mungkahing isinumite niya sa parliamento ng Serbia, ipinahayag ni Vucic, na base sa trabaho ni Vucevic, isinabalikat niya ang napakalaking responsibilidad, na nagpapakitang taglay niya ang kinakailangang diwa ng sakripisyo at propesyonal na kaalaman ng isang PM.


Salin: Lito

Pulido: Rhio