Xi’an, probinsyang Shaanxi — Inilunsad Marso 30, 2024 ang seremonya ng pagsisimula ng Sekretaryat ng Mekanismo ng Tsina-Gitnang Asya.
Magkakasunod na ipinadala ng mga Ministrong Panlabas na sina Wang Yi ng Tsina, Murat Nurtleu ng Kazakhstan, Jeenbek Kulubaev ng Kyrgyz, Sirojiddin Muhriddin ng Tajikstan, Rashid Meredov ng Turkmenistan, at Bakhtiyor Saidov ng Uzbekistan, ang mensaheng pambati.
Sa kanyang mensahe, sinabi ni Wang na nitong 4 na taong nakalipas, matatag na umuunlad ang Mekanismo ng Tsina-Gitnang Asya at walang patid itong bumubuti.
Sa ilalim ng mekanismong ito, mabilis aniyang umuunlad ang kooperasyon sa pagitan ng Tsina at Gitnang Asya, at lumilitaw ang mainam na tunguhin ng komprehensibong kaunlaran.
Sa magkakasamang suporta ng iba’t-ibang pang, naniniwala si Wang, na maalwang tatakbo ang nasabing sekretaryat, at tiyak at ibayong bubuti ang mekanismo tungo sa paghahatid ng mas maraming benepisyo sa mga mamamayan ng 6 na bansa.
Ito rin aniya ay makakapagbigay ng mahalagang ambag sa pagtatatag ng mas malakas na komunidad na may pinagbabahaginang kapalaran ng Tsina at Gitnang Asya.
Sa kanila namang mensahe, ipinahayag ng 5 ministrong panlabas na ang nasabing mekanismo ay nagkakaloob ng mahalagang plataporma sa pagkakaroon ng kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan ng mga bansa sa Gitnang Asya at Tsina.
Anila, naging milestone ng relasyon ng kapuwa panig ang unang Summit ng Gitnang Asya-Tsina, at ang sekretaryat ng mekanismo ay isa sa mga natamong mahalagang bunga ng summit.
Umaasa silang bagong puwersa ang ibibigay ng sekretaryat sa kooperasyon ng kapuwa panig.
Salin: Lito
Pulido: Rhio