Inilabas Lunes, Abril 1, 2024 sa ika-7 isyu ng Qiushi Journal, isang flagship magazine ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), ang artikulo ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC at Pangulo ng bansa, hinggil sa pagpapauna sa kapakanan ng mga mamamayan.
Ang artikulo ay hango mula sa mga kaukulang pananalita ni Xi mula noong Nobyembre ng 2021 hanggang Disyembre ng 2023.
Ayon dito, ang pagpanig sa mga mamamayan ay pundamental na paninindigang pulitikal ng CPC.
Dagdag ng artikulo, ang mga mamamayan ay desididong puwersa sa pagtatatag ng isang malakas na modernong bansang sosyalista ng Tsina sa lahat ng aspekto.
Inilahad din dito ang pilosopyang “gawing sentro ng pag-unlad ang mga mamamayan.”
Anang artikulo, ang lahat ng mamamayan ay magkaroon ng mas patas na pakinabang mula sa bunga ng modernisasyon, at walang humpay nilang matatamo ang mas malinaw at substansyal na progreso mula sa pagpapasulong ng komong kasaganaan ng lahat.
Salin: Vera
Pulido: Rhio