Qingming, idaraos: mga Tsino, nagbibigay-galang sa mga ninuno at naglalakbay

2024-04-03 14:52:42  CRI
Share with:

Bukas, Abril 4 ay hindi lamang ika-5 sa 24 na solar term ng Nong Li, o Tradisyonal na Kalendaryong Tsino, kundi ito rin ay isang pestibal na kung tawagin ay Qingming.


Sa araw na ito, binibigyang-galang at nililinis ng mga Tsino ang puntod ng kanilang mga namayapang mahal sa buhay.


Naglalakbay rin sila upang lasapin ang ginhawa ng Tagsibol.


Bukod pa riyan, niluluto ng mga Tsino ang espesyal na pagkaing tulad ng qing tuan o sweet green rice ball na sumasagisag ng pagpapatuloy ng buhay, pagka-akma, at pagkakaisa.


Salin: Lito

Pulido: Rhio