Kalakalang pangserbisyo ng Tsina, mabilis na lumaki noong unang dalawang buwan ng 2024

2024-04-04 10:23:00  CMG
Share with:

Ayon sa datos na inilabas Abril 3, 2024 ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, noong unang dalawang buwan ng kasalukuyang taon, umabot sa mahigit 1.19 trilyong yuan RMB ang kabuuang halaga ng pag-aangkat at pagluluwas ng kalakalang pangserbisyo ng bansa. Ito ay mas malaki ng 22.8% kumpara sa gayunding panahon ng nagdaang taon.


Ayon pa sa datos, mabilis na lumalaki ang kalakalang pangserbisyo ng bansa, at nagsisilbing pinakamalaking larangan ng kalakalang pangserbisyo ang serbisyong panturista.


Salin: Lito