Soberanya ng mga isla sa SCS, nabibilang sa Tsina —Ekspertong Britaniko sa pandaigdigang batas

2024-04-04 11:09:48  CMG
Share with:

Sa isang akademikong simposyum na idinaos kamakailan sa Beijing, ibinahagi ni Anthony Carty, ekspertong Britaniko sa pandaigdigang batas, ang proseso ng kanyang pag-akda ng aklat na “Kasaysayan at Soberanya ng South China Sea.”


Sa pamamagitan ng pagsangguni ng mga pambansang salansan ng Pransya, Britaniya at Amerika tungkol sa soberanya ng mga isla sa South China Sea (SCS) at field investigation sa 10 taon, nilinaw ni Carty ang isyu ng soberanya ng SCS at napatunayang ang soberanya ng mga isla sa SCS ay nabibilang sa Tsina.


Ito ay nagkakaloob ng mahalagang historikal na rekord at ebidensya ng pandaigdigang batas sa pag-aaral ng soberanya ng mga isla sa South China Sea.


Ayon kay Carty, mula noong sinaunang panahon, ang mga isla ng SCS ay isang di-maihihiwalay na bahagi ng teritoryo ng Tsina.


May sapat na batayang historikal at pambatas ang soberanya ng Tsina sa mga isla sa SCS, diin niya.


Salin: Lito