Isang mensahe ang ipinadala Abril 4, 2024 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Myriam Spiteri Debono bilang pagbati sa kanyang panunungkulan bilang presidente ng Malta.
Tinukoy ni Xi na nitong 52 taong nakalipas sapul nang maitatag ang relasyong diplomtiko ng Tsina at Malta, palagiang iginagalang ng kapuwa bansa ang isa’t-isa, kinakatigan ang isa’t-isa sa mga isyung may kaugnayan sa kani-kanilang nukleong kapakanan at mahalagang pagkabahala, at natamo ang kapansin-pansing bunga sa mga larangang gaya ng kabuhayan at kalakalan, pamumuhunan, kultura, edukasyon, medisina at kalusugan.
Lubos aniyang pinahahalagahan ng panig Tsino ang pagpapaunlad ng relasyon sa Malta. Kasama ng bagong presidente ng Malta, nakahandang magsikap si Xi upang ipagpatuloy ang tradisyonal na pagkakaibigan, mapalalim ang pragmatikong kooperasyon ng kapuwa bansa, walang patid na mapasulong ang pagtatamo ng bagong progreso ng relasyon ng Tsina at Malta, at makapaghatid ng mas maraming benepisyo sa kanilang mga mamamayan.
Salin: Lito