Mga Ministrong Panlabas ng Tsina at Biyetnam, nag-usap

2024-04-05 12:01:27  CMG
Share with:

Guangxi, rehiyong awtonomo ng lahing Zhuang ng Tsina Sa kanyang pakikipag-usap Abril 4, 2024 kay Bui Thanh Son, dumadalaw na Ministrong Panlabas ng Biyetnam, sinabi ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina, na noong isang taon, magkasamang idineklara ng mga lider ng dalawang bansa ang pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kapalarang Sino-Biyetnames na may estratehikong katuturan, bagay na naisakatuparan ang mabilis na pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa.


Ani Wang, nakahandang magsikap ang Tsina kasama ng Biyetnam para kapit-bisig na mapasulong ang kanilang kooperasyon sa iba’t-ibang larangan.


Ipinahayag naman ni Bui Thanh Son ang kahandaan ng panig Biyetnames na panatilihin ang mahigpit na pakikipagkoordinahan sa panig Tsino upang mapasulong ang kooperasyon at pagkakaibigan ng kapuwa bansa at maitatag ng mabuti ang komunidad na may pinagbabahaginang kapalarang Biyetnames-Sino na may estratehikong katuturan.


Salin: Lito