Mga Ministrong Panlabas ng Tsina at Timor-Leste, nag-usap

2024-04-05 10:27:21  CMG
Share with:

Guangxi, rehiyong awtonomo ng lahing Zhuang ng Tsina — Sa kanyang pakikipag-usap Abril 4, 2024 kay Bendito dos Santos Freitas, Ministrong Panlabas ng Timor-Leste, ipinahayag ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina na noong Setyembre ng nagdaang taon, magkasamang idineklara ng kapuwa bansa ang pagpapataas ng relasyon ng Tsina at Timor-Leste sa komprehensibo’t estratehikong partnership, bagay na naisakatuparan ang progresong historikal ng bilateral na relasyon ng dalawang bansa.


Nakahanda aniya ang panig Tsino na patingkarin ang sariling bentahe, at ayon sa pangangailangan ng Timor-Leste, pasulungin ang kooperasyon ng kapuwa bansa sa mga larangang kinabibilangan ng pagpapa-ahon ng industriya, konstruksyon ng imprastruktura, pagkaing-butil, at pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan.


Ipinahayag naman ni Freitas na nagpupunyagi ang kanyang bansa upang mapalakas ang mapagkaibigang pakikipagkooperasyon sa Tsina.


Lubos niyang pinasasalamatan ang ibinibigay na suporta ng Tsina. Inaasahan ng Timor-Leste na kapit-bisig na maisasakatuparan ang napagkasunduan ng mga lider ng kapuwa bansa upang maisagawa ang mas maraming proyekto sa ilalim ng balangkas ng “Belt and Road” Initiative, dagdag pa niya.


Salin: Lito