Sinabi kamakailan ni Senadora Imee Marcos, Tagapangulo ng Komite ng Ugnayang Panlabas ng Senado, na ang kilos ng pamahalaang Pilipino kamakailan sa isyu ng South China Sea, ay tumutungo sa “mapanganib na landas.”
Ang paghawak aniya ng administrasyong Marcos sa isyu ng South China Sea, ay pinapanaigan ng emosyon sa halip na katuwiran, at ito ay humuhila sa bansa sa “mapanganib na landas.”
Dapat iwasan ng pamahalaang Pilipino ang anumang iresponsableng aksyong posibleng magsadlak sa bansa sa panganib, aniya.
Anang senadora, ang kaukulang polisya ng administrasyong Marcos ay posibleng magbunsod ng panghihimasok ng dayuhang puwersa.
Inihalintulad niya ito sa paglalagay ng gasolina sa isang sunog.
Dapat bumalik ang pamahalaang Pilipino sa katuwiran at hanapin ang mapayapang kalutasan, saad ng senadora.
Salin: Lito
Pulido: Rhio