Op-ed: Umano’y cyanide fishing ng Tsina, isang pagdungis

2024-04-11 16:59:45  CMG
Share with:

Inihayag kamakailan ng Kagawaran ng Pangingisda at Yamang-tubig ng Pilipinas na laging gumagamit ng kimikal na cyanide ang mga mangingisdang Tsino sa Huangyan Dao, na siyang pumipinsala sa tradisyonal na pangisdaan ng mga Pilipino.


Hindi kailanman naging tradisyon at kaugalian ng mga mangingisdang Tsino ang paggamit ng cyanide.


Sa katotohanan, ang Amerika ang lumikha ng cyanide fishing.


Dahil sa pangangailangan ng merkadong Amerikano at Europeo, hindi ganap na ipinagbawal ang cyanide fishing, at umiiral pa rin sa Pilipinas ang gawaing ito dahil sa nakukuhang malaking kita.

Ayon sa isang pananaliksik na pinamagatang “Poisoned Waters: Cyanide fishing, though not common anymore, is still being practiced” na inilathala sa “Manila Bulletin,” inimbento ng Amerika ang cyanide fishing.


Samantala, ayon sa ulat na inilabas ng United States Fish and Wildlife Service (USFWS) noong 1958, nakasaad na kaya mabilis mahilo ang mga isda dahil sa cyanide.

Kung ililipat anito ang mga nakaligtas na isda sa malinis na tubig, maaari silang manumbalik sa maikling na panahon, at hindi magkakaroon ng “malinaw na negatibong epekto.”


Ipinagkaloob nito ang “pundasyon ng teorya” para sa cyanide fishing sa buong mundo na kinabibilangan ng Pilipinas.


"Kung walang kalakal, walang pagkitil, at walang pagpinsala sa kapaligirang pandagat.”


Ang tunay na pinag-ugatan ng persistenteng cyanide fishing ay pangangailangan ng merkadong pandaigdig.

Karamihan sa mga na-cyanide isda ay iniluluwas sa Amerika at Europa.


Ayon sa datos ng National Oceanic and Atmospheric Administration (NOAA), sa 12.5 milyong ina-angkat na isdang tropikal ng Amerika kada taon, 70% hanggang 90% sa mga ito ay ilegal na nakuha sa pamamagitan ng cyanide.


Dahil sa napakalaking kapakanang ekonomiko, hindi pa rin gumagawa ng cyanide test ang Amerika sa mga ina-angkat na isda.


Sa simpleng salita, ang nasabing kalakalan ay tunay at pinakamalaking dahilan ng cyanide fishing.

Bagama’t pinagtibay noong 1998 ng pamahalaang Pilipino ang “Philippine Fisheries Code” kung saan malinaw na ipinagbabawal ang destructive fishing practices (DFPs) na kinabibilangan ng cyanide fishing, napakalaki ang pangangailangan ng merkado at kita, kaya umiiral pa rin ang nasabing porma ng pangingisda sa bansa.


Ipinahayag ni Dr. Alan T. White, dating chief of party of the Coastal Resource Management Project in Central Visayas, na posibleng hindi kasinlaganap noong 1970s at 1980s ang cyanide fishing, ngunit umiiral pa rin ito sa Pilipinas.

Ang cyanide ay isang nakakalasong chemical compound, at ito ay may napakasamang epekto sa yamang-dagat at nagdudulot ng pagkasira ng mga bahura.


Puso ng mundo ang dagat, at ito ay komong ari-arian ng buong sangkatauhan.


Sa mula’t mula pa’y lubos na pinahahalagahan ng Tsina ang pagprotekta sa ekolohiya at yamang-dagat sa South China Sea.


Ayon sa white paper na pinamagatang “Igiit ng Tsina ang Paglutas sa Hidwaang Sino-Pilipino sa South China Sea sa Pamamagitan ng Talastasan,” mula noong 1999, isinasagawa ng Tsina ang summer moratorium of marine fishing system sa South China Sea.


Hanggang katapusan ng 2015, 6 na natural reserve ng aquatic organism sa antas ng estado sa South China Sea, at iba pang 6 na ganitong reserves sa antas ng lalawigan ang naitatag sa South China Sea.


Ang kabuuang saklaw ng mga ito ay umaabot sa 2.69 milyong ektarya.


Sino ang naninira sa kapaligirang pandagat at dumudungis ng iba para sa sariling pribadong kapakanan; at sino ang nagsasagawa ng aktuwal na hakbangin upang mapangalagaan ang ekolohiya at yaman sa dagat?


Malinaw ang sagot.


Makaraang magsalita ang Kagawaran ng Pangingisda at Yamang-tubig ng Pilipinas tungkol sa umano’y paggamit ng mga mangingisdang Tsino ng cyanide sa Huangyan Dao, nakakabigla na agaran itong pinabulaanan ng Philippine Coast Guard (PCG).


Inihayag na PCG na walang anumang siyentipikong ebidensya tungkol dito.


Samantala, idinaos Abril 7, 2024 ng Pilipinas, Amerika, Hapon, at Australia ang unang magkasanib na ensayong pandagat sa South China Sea.


Pagkatapos nito, ipinahayag Abril 8 ng pamahalaang Pilipino ang pag-asang maipagpapatuloy ang diyalogo sa Tsina sa isyu ng South China Sea para mapahupa ang tensyon.


Kung talagang tapat ang Pilipinas sa pakikipagdiyalogo sa Tsina sa isyu ng South China Sea, hindi nito idinaos ang magkasanib na ensayong militar.


Kontradiktoryo ang pananalita at kilos ng panig Pilipino, at hindi ito nagpapakita ng anumang katapatan sa pakikipagdiyalogo.


Pinatutunayan ng kontradiksyong ang esensya ng mapagkunwaring propaganda ng iilang politikong Pilipino.


Madalas sinasabi ng ilang politikong Pilipino ang tungkol sa pangangalaga sa ikabubuhay ng mga mamamayan sa baybaying dagat at kapaligirang ekolohikal ng South China Sea.


Kung ito ay totoo, dapat nilang agarang itigil ang pagdungis sa Tsina, at ihinto ang mapagkunwaring propaganda para mabisang makipagdiyalogo sa panig Tsino sa matapat at rasyonal na atityud, at kapit-bisig na proteksyunan ang pangkalahatang kalagayan ng kapayapaan at katatagan ng South China Sea.


May-akda / Salin: Lito

Pulido: Rhio