Pagkatapos ng magkasanib na ensayo ng Amerika, Hapon, Australia, at Pilipinas noong Abril 7, 2024, ipinahayag Abril 10 ni National Security Advisor Jake Sullivan ng Amerika, na mas marami pang magkasanib na pagpapatrolya ang isasagawa ng 4 na bansa sa South China Sea.
Bukod pa riyan, ipinahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na sa napipintong trilateral summit ng Pilipinas, Amerika, at Hapon, kasama sa tatalakayin ang isang kasunduan sa pangangalaga ng kaligtasan at malayang paglalayag sa nasabing karagatan.
Kaugnay nito, ipinahayag Abril 10 ni Tagapagsalita Mao Ning ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sa magkakasamang pagsisikap ng Tsina at mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), matatag sa kabuuan ang situwasyon sa South China Sea.
Sinabi niya na walang anumang problema sa malayang paglalayag sa South China Sea.
Sa kabila nito, patuloy aniyang binubuo ng mga bansa sa labas ng rehiyon na pinamumunuan ng Amerika ang maliit na grupo sa South China Sea upang sulsulan ang komprontasyon sa katuwiran ng kooperasyon, ipakita ang dahas sa katuwiran ng kapayapaan, at likhain ang kaguluhan sa katuwiran ng kaayusan.
Ito ay tunay na hegemonitikong kilos, saad ni Mao.
Ipinagdiinan pa niyang ang determinasyon ng Tsina sa pangangalaga sa sariling soberanya ng teritoryo, karapatan at kapakanang pandagat ay hindi mababago ng anumang panghihimasok ng anumang dayuhang puwersa.
Salin: Lito
Pulido: Rhio