Pag-atake ng Iran sa Israel, “maituturing na tapos na” — pirmihang misyon ng Iran sa UN

2024-04-14 11:46:12  CMG
Share with:

Inihayag Abril 14, 2024 ng pirmihang misyon ng Iran sa United Nations (UN) na “maituturing na tapos na” ang pag-atake ng Iran sa Israel.


Anito, ang aksyong militar ng Iran sa Israel ay nakabase sa Article 51 ng UN Charter tungkol sa lehitimong depensa.


Dagdag nito, kung muling magkakamali ang Israel, magiging mas malakas ang reaksyon ng Iran.


Binabalaan din ng misyon ang Amerika na huwag makisangkot sa sagupaan.


Salin: Lito

Pulido: Rhio