Peter Pellegrini, manunungkulan bilang pangulo ng Slovakia: mensaheng pambati, ipinadala ni Xi Jinping

2024-04-14 11:43:36  CMG
Share with:

Sa kanyang mensaheng pambati kamakailan kay Peter Pellegrini sa kanyang panunungkulan bilang pangulo ng Slovakia, tinukoy ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na nitong ilang taong nakalipas, nanatiling mainam ang pag-unlad ng relasyon Sino-Slovak, at malawak ang prospek ng kooperasyon ng kapuwa bansa sa iba’t-ibang larangan.


Aniya, ang kasalukuyang taon ay ika-75 anibersaryo ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Slovakia, at sasalubungin ng bilateral na relasyon ng dalawang bansa ang bagong mahalagang pagkakataon ng pag-unlad.


Sinabi ni Xi, na mahalaga para sa kanya ang pag-unlad ng relasyon ng Tsina at Slovakia, kaya kasama ni Pangulong Peter Pellegrini, magsisikap siya para mapalalim ang tradisyonal na pagkakaibigan, pagtitiwalaang pulitikal, at mapasulong pa ang relasyon ng dalawang bansa, upang makapaghatid ng mas maraming benepisyo sa mga Tsino at Slovak.


Salin: Lito

Pulido: Rhio