DPRK top leader, kinatagpo ni Zhao Leji

2024-04-14 11:48:16  CMG
Share with:

Pyongyang — Sa pakikipagtagpo, Abril 13, 2024 ni Kim Jong Un, pinakamataas na lider ng Hilagang Korea kay Zhao Leji, dumadalaw na Pirmihang Kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Tagapangulo ng Pirmihang Lupon ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC) ng bansa, sinabi ng opisyal-Tsino, na ang kasalukuyang taon ay ika-75 anibersaryo ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Hilagang Korea.


Sa ilalim ng bagong kalagayan at kasama ng panig Hilagang Koreano, nakahanda aniyang magsikap ang panig Tsino upang ibayo pang mapasulong ang relasyon ng kapuwa bansa.


Binati naman ni Kim Jong Un ang natamong tagumpay ng sosyalistang usapin ng Tsina.


Ipinagdiinan niyang ang pagpapatibay at pagpapaunlad ng relasyong pangkaibigan at pangkooperasyon ng Hilagang Kprea at Tsina ay di nagbabagong patakaran ng partido at pamahalaang Hilagang Koreano.


Kasama ng panig Tsino, nakahandang magsikap ang panig Hilagang Koreano upang mapalakas ang kooperasyon sa iba’t-ibang larangan, mapalalim ang tradisyonal na pagkakaibigan, at makalikha ng bagong kabanata ng relasyon ng dalawang bansa.


Salin: Lito

Pulido: Rhio