Konstruktibong papel ng mga may-impluwensyang bansa, ipinanawagan ng panig Tsino

2024-04-14 11:49:47  CMG
Share with:

Kaugnay ng paglulunsad Abril 14, 2024 ng Iran ng atakeng militar sa Israel, ipinahayag ng tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na lubos na sinusubaybayan ng panig Tsino ang situwasyon.


Nananawagan aniya ang panig Tsino sa mga kaukulang panig na magtimpi upang maiwasan ang ibayong paglala ng situwasyon.


Anang tagapagsalitang Tsino, ang kasalukuyang pinakamahalagang gawain ay totohanang pagsasakatuparan ng resolusyon bilang 2728 ng United Nations Security Council (UNSC) para agarang mawakasan ang bakbakan sa Gaza Strip.


Nanawagan din siya sa komunidad ng daigdig, partikular sa mga may-impluwensiyang bansa, na gumanap ng konstruktibong papel sa pangangalaga sa kapayapaan at katatagang panrehiyon.


Salin: Lito

Pulido: Rhio