Kooperasyong Aleman-Sino sa teknolohoya ng “hydrogen,” impresibo — Olaf Scholz

2024-04-15 14:25:45  CMG
Share with:

Inihayag Abril 14, 2024 ni Olaf Scholz, Chancellor ng Alemanya, na napabilib siya sa kooperasyon ng mga kompanyang Aleman at Tsino sa larangan ng “hydrogen” technology.


Kaugnay nito, handa aniyang palakasin ng panig Aleman ang mapagkaibigang pagpapalagayang Aleman-Sino upang ibayong mapasulong ang kooperasyon ng kapuwa bansa.


Dumating umaga ng Abril 14 sa Chongqing si Scholz para sa kanyang opisyal na pagdalaw sa Tsina.


Binisita niya ang mga proyektong pangkooperasyon ng Alemanya at Tsina, at nakipag-usap siya sa mga kinatawan ng mga kompanya at organong Aleman.


Salin: Lito

Pulido: Rhio