Mataas na lebel na pulong ng Group of Friends ng GDI, idinaos sa UN

2024-04-19 16:46:27  CMG
Share with:

Idinaos Abril 17, 2024, sa punong-tanggapan ng United Nations (UN) sa New York, Estados Unidos, ang isang mataas na lebel na pulong ng Group of Friends ng Global Development Initiative (GDI).

 

Sa kanyang talumpati, ipinahayag ni Fu Cong, Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa UN at tagapangulo ng pulong, na mula pa noong iniharap ang GDI noong 2021, nagsisikap ang Tsina para makabuo ng pandaigdigang komong palagay at lumikha ng bagong lakas-panulak para sa pandaigdigang paglaki.

 

Sinabi ni Fu, na ang GDI ay nagmula sa Tsina, ngunit ang mga oportunidad at kinalabasan nito ay nabiblang sa buong mundo. Patuloy aniyang makikipagtulungan ang Tsina sa ibang mga miyembro ng Group of Friends at ibayo pang pasusulungin ang mga gawain ng grupo, para magbigay ng bagong pwersa tungo sa pagsasakatuparan ng 2030 Agenda.

 

Sinabi naman ni Dennis Francis, Tagapangulo ng Ika-78 Pangkalahatang Asembleya ng United Nations (UNGA), na kinakaharap ng daigdig ang matinding kakulangan sa pag-unlad.

 

May malaking potensyal ang GDI na magbigay ng benepisyo sa iba’t ibang bansa sa buong daigdig, dagdag niya.

 

Dinaluhan ang naturang pulong ng mga pirmihang kinatawan at deputadong pirmihang kinatawan mula sa mahigit 40 bansa, gayundin ang mga opisyal mula sa iba’t ibang ahensya ng UN.

 

 

Salin: Kulas

Pulido: Ramil