CGTN Poll: Ambag ng Tsina sa luntiang kaunlarang pandaigdig, hinahangaan ng halos 90% respondiyente

2024-04-20 23:42:42  CMG
Share with:

Sa pagdami ng mga sasakyang tumatakbo sa bagong enerhiya, bateryang lithium at produktong photovoltaic ng Tsina sa merkado ng daigdig, kumalat din ang teoryang umano’y “overcapacity” ng mga bagong enerhiyang produkto ng bansa.


Ngunit ayon sa sarbey na isinagawa kamakailan ng China Global Television Network (CGTN), pinapurihan ng 88.62% ng mga respondiyente ang ginagawang ambag ng industriya ng bagong enerhiya ng Tsina sa kabuhayang pandaigdig at luntiang kaunlarang pandaigdig.


Ayon dito, 84.86% ng mga respondiyente ang nagpapalagay na napakalaki pa rin ng pangangailangan at potensyal ng teknolohiya at produkto ng bagong enerhiya sa merkadong pandaigdig, at walang anumang batayan ang umano’y “overcapacity.”


Samantala, sinabi ng 86.05% respondiyente na ang kakayahan ng produksyon ay direktang proporsyonal sa suplay at pangangailangan, at ang angkop at mas malaking kakayahan ng produksyon kumpara sa pangangailangan ay nakakabuti sa kompetisyon at ligtas na produkto.  


Dagdag diyan, 85.71% ng mga respondiyente ang naniniwala na ang pagpapabilis ng makabagong teknolohiya at ganap na pagpapasigla ng kompetisyon sa merkado ay susi upang mapasulong ang malusog at mabilis na pag-unlad ng bagong enerhiya.


Ang mga bentahe ng industriya ng bagong enerhiya ng Tsina ay nakamit sa pamamagitan ng tunay na kasanayan at sapat na kompetisyon sa merkado, sa halip na subsidiya ng pamahalaan.


Kaugnay nito, lubos na pinapurihan ng 88.62% ng mga respondiyente ang ibinibigay na positibong ambag ng industriya ng bagong enerhiya ng Tsina sa luntiang kaunlarang pandaigdig; 77.41% ang naniniwala na ang paggamit ng proteksyonismo ay nagpapahina sa mga pagsisikap ng mga bansa upang matugunan ang problema sa pagbabago ng klima; 91.93% ang nagsabi na ang pag-unlad ng nasabing industriya sa daigdig ay dapat nakasandig sa pundasyon ng makatarungan at makatuwirang regulasyon ng kaayusang pandaigdig, at nagpapahalaga sa karapatan at kapakanan ng malawak na masa ng mga umuunlad na bansa; at 83.87% ang nagpahayag na ang kakayahan ng produksyon ay isyung ekonomiko, at hindi ito dapat i-ugnay sa pulitika.


Sa loob ng 24 na oras, 5,470 overseas netizen ang nag-iwan ng kanilang opinyon tungkol sa nasabing sarbey.


Salin: Lito

Pulido: Rhio