Ika-50 anibersaryo ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Gabon, ipinagdiriwang: mensaheng pambati sa isa't-isa, ipinadala nina Xi Jinping at Brice Oligui Nguema

2024-04-21 11:40:50  CMG
Share with:

Bilang pagbati sa ika-50 anibersaryo ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Gabon, ipinadala Abril 20, 2024 nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Gabonese Transitional President Brice Oligui Nguema ang mensaheng pambati sa isa’t-isa.


Tinukoy ni Xi na patuloy ang pagtibay ng tradisyonal na pagkakaibigan at bilateral na relasyon ng Tsina at Gabon nitong nakalipas na kalahating siglo.


Ito ay nakakapaghatid ng aktuwal na benepisyo sa mga mamamayan ng dalawang bansa, saad niya.


Sinabi rin ni Xi na lubos niyang pinahahalagahan ang pag-unlad ng relasyon ng Tsina at Gabon.


Kaya, kasama ng pangulo ng Gabon, nakahanda siyang magsikap upang ipagpatuloy ang tradisyonal na pagkakaibigan, mapalalim ang aktuwal na kooperasyon, payamanin ang komprehensibo’t estratehikong partnership ng Tsina at Gabon, at kapit-bisig na itatag ang komunidad na may pinagbabahaginang kapalarang Sino-Aprikano.


Ipinahayag naman ni Brice Oligui  Nguema, na mabuti ang pag-unlad ng relasyon ng Gabon at Tsina nitong 50 taong nakalipas sapul nang maitatag ang relasyong diplomatiko ng dalawang bansa.


Kapansin-pansin din aniya ang bunga ng kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan sa mga larangang gaya ng kabuhayan, lipunan, at militar.


Matatag iginigiit ng Gabon ang prinsipyong isang-Tsina, at ipinalalagay, na ang Taiwan ay isang di-maihihiwalay na bahagi ng Tsina, diin niya.


Salin: Lito

Pulido: Rhio