“Zan Hua” o pagsusuot ng bulaklak sa ulo, muling na-uuso sa Tsina

2024-04-22 15:48:23  CMG
Share with:


May nasa tatlong libong taong kasaysayan, ang Zan Hua o Dai Hua, na nangangahulugang pagsusuot ng bulaklak sa ulo, ay isang uri ng kagawian ng mga sinaunang Tsino.

 

May iba’t-ibang uri ang Zan Hua, at ang pinakakilala ay Zanhuawei ng bayang Xunpu, lunsod Quanzhou, lalawigang Fujian, dakong timogsilangan ng Tsina.

 

Karaniwan inilalagay ng mga kababaihan ng Xunpu sa kanilang buhok ang samu’t-saring sariwang bulaklak at dekorasyong may hitsurang bulaklak, para maging makulay na palamuti sa ulo.

 

Noong 2008, ang Zanhuawei ng Xunpu ay inilakip sa listahan ng national intangible cultural heritage ng Tsina.

 

Ngayon, ang Zan Hua ay hindi lamang isang lokal na kaugalian sa Xunpu, kundi isang bagong uso na rin sa buong bansa.

 

Karaniwang makikita sa mga atraksyong panturista at Internet famous spot sa mga lunsod na gaya ng Beijing, Shanghai at Jinan, ang maraming kababaihang nagsusuot ng Zan Hua para sa pagpapakuha ng litrato.

 

Dahil diyan, nagiging mas masigla ang tradisyunal na kulturang ito.

 

Hatid sa inyo ng aming lente ang magagandang Zan Hua!

 

 

Salin: Kulas

Pulido: Rhio