Kaugnay ng pananalita tungkol sa Tsina ni Antony Blinken, Kalihim ng Estado ng Amerika, ipinahayag Abril 25, 2024 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sa mula’t mula pa’y isinasagawa ng Tsina ang kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan batay sa prinsipyo ng merkado, palagian at matatag na sinusuportahan ang multilateral na sistemang pangkalakalan, at komprehensibong ipinapatupad ang regulasyon ng World Trade Organization (WTO).
Umaasa aniya ang panig Tsino na totohanang igagalang ng panig Amerikano ang prinsipyo ng pantay na kompetisyon, at ipapatupad ang regulasyon ng WTO upang makalikha ng paborableng kondisyon sa pagpapasulong ng malusog at matatag na pag-unlad ng relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng kapuwa bansa.
Salin: Lito