Kaugnay ng talastasan ng Hamas at Fatah kamakailan sa Beijing, sinabi Abril 26, 2024 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina, na palagiang sinusuportahan ng panig Tsino ang pagpapalakas ng kapangyarihan ng Palestinian National Authority, at kinakatigan ang pagsasakatuparan ng rekonsilyasyon at pagpapalakas ng pagkakaisang panloob ng iba’t-ibang paksyon ng Palestina sa pamamagitan ng diyalogo at pagsasanggunian.
Salin: Lito
Pulido: Ramil