Pangulong Tsino, bumati sa malawak na masa ng mga manggagawa sa buong bansa

2024-05-01 11:37:43  CMG
Share with:

Sa okasyon ng International Workers' Day, sa ngalan ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), ipinaabot ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, ang pagbati at taos-pusong pangumusta sa malawak na masa ng mga manggagawa ng buong bansa.


Tinukoy ni Xi na ang kasalukuyang taon ay ika-75 anibersaryo ng pagkakatatag ng Republika ng Bayan ng Tsina. Kasama ng CPC, buong sikap aniyang nagpupunyagi ang malawak na masa ng mga mangaggawa upang makapagbigay ng mahalagang ambag sa pag-unlad ng usapin ng partido at estado.


Umaasa aniya siyang patuloy na magsisikap ang malawak na masa ng mga manggagawa para mapasulong ang pagsasakatuparan ng modernisasyong Tsino.


Salin: Lito

Pulido: Ramil