Aktibidad ng pagpapalitang kultural ng Tsina at Pransya, idinaos sa Paris

2024-05-06 23:53:20  CMG
Share with:

Sa panahon ng dalaw pang-estado ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Pransya, itinaguyod Mayo 6 sa Paris ng China Media Group ang aktibidad ng pagpapalitang kultural bilang pagdiriwang sa ika-60 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Pransya.


Sa aktibidad, idinaos ang debut ng ilang video program na magkasamang ginawa ng Tsina at Pransya, at nilagdaan din ng CMG at Europa News Station ang momerandum ng kooperasyon.