Xi Jinping at Emmanuel Macron, magkasanib na makikipagkita sa mga mamamahayag

2024-05-07 00:32:40  CMG
Share with:

Paris — Magkasanib na makikipagtagpo gabi ng Mayo 6, 2024 (lokal na oras) sa mga mamamahayag sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Emmanuel Macron ng Pransya.


Tinukoy ni Xi na di matahimik ang kasalukuyang daigdig.


Ani Xi, bilang pirmihang kasaping bansa ng United Nations Security Council (UNSC) at responsableng bansa, kasama ng Pransya, nakahanda ang Tsina na itaguyod ang pagtigil-putukan sa buong mundo sa panahon ng Paris 2024 Olympics.


Sinabi ng pangulong Tsino na patuloy hanggang ngayon ang sagupaan sa pagitan ng Palestina at Israel, at dapat kumilos ang komunidad ng daigdig tungkol dito.


Nanawagan aniya ang panig Tsino na pasulungin ang agarang pagsasakatuparan ng komprehensibo at sustenableng tigil-putukan sa Gaza Strip, katigan ang Palestina sa pagiging pormal na kasaping bansa ng United Nations (UN), at katigan ang pagpapanumbalik ng lehitimong karapatan ng Palestina at two-State resolution para maisakatuparan ang pangmatagalang kapayapaan sa rehiyong Gitnang Silangan.


Kaugnay naman ng krisis ng Ukraine, ipinagdiinan ni Xi na palagiang napapatingkad ng panig Tsino ang positibong papel para sa pagsasakatuparan ng kapayapaan.


Paulit-ulit aniyang napapatunayan ng kasaysayan na wala ibang pagpili kundi talastasan ang tanging kalutasan sa anumang sagupaan.


Ani Xi, nanawagan ang panig Tsino sa iba’t-ibang panig na panumbalikin ang pag-uugnayan at diyalogo, suportahan ang pagdaraos ng pandaigdigang pulong kung saan pantay na tatalakayin ang lahat ng kalutasang pangkapayapaan, at katigan ang pagtatatag ng balanse, mabisa, at sustenableng balangkas na panseguridad sa Europa.


Salin: Lito