Peng Liyuan, bumisita sa punong himpilan ng UNESCO

2024-05-07 03:36:05  CMG
Share with:

Paris — Dumalaw umaga ng Mayo 6, 2024 (lokal na oras) si Peng Liyuan, Unang Ginang ng Tsina, sa punong himpilan ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO).

Kasama ni Audrey Azoulay, Direktor-Heneral ng UNESCO, bumisita si Peng sa “eksbisyon ng mga bungang pangkooperasyon ng Tsina at UNESCO sa sampung taon.”


Binigyan ni Azoulay ng lubos na papuri ang ibinibigay na ambag ng Tsina sa pagpapasulong ng usapin ng batang babae at edukasyon ng kababaihan sa buong mundo.

Inilahad naman ni Peng ang mga natamong bagong progreso ng Tsina sa pagpapasulong ng nasabing usapin.


Kasama ng UNESCO, nakahandang magsikap ang panig Tsino upang tulungan ang mas maraming kababaihan sa pagkakaroon ng edukasyon at kapit-bisig na likhain ang magandang kinabukasan, ani Peng.


Salin: Lito