Paris — Kasama ni Pangulong Emmanuel Macron ng Pransya, dumalo at bumigkas ng talumpati gabi ng Mayo 6, 2024 (lokal na oras) si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa seremonya ng pagpipinid ng ika-6 na pulong ng Komisyon ng mga Negosyanteng Tsino at Pranses.
Tinukoy ni Xi na pagkatapos ng dalawang buwan, sasalubungin ang maringal na Paris 2024 Olympics.
Sinabi ni Xi na simbolo ng pagkakaisa at pagkakaibigan ang Olimpiyada. Dapat aniyang igiit ng Tsina at Pransya ang orihinal na inspirasyon ng pagtatatag ng relasyong diplomatiko upang ipagpatuloy ang tradisyonal na pagkakaibigan, kapit-bisig na likhain ang bagong siglo ng kooperasyong Sino-Pranses, at magkasamang isulat ang bagong kabanata ng komunidad na may pinagbabahaginang kapalaran ng sangkatauhan.
Salin: Lito