Xi Jinping, bumigkas ng talumpati sa seremonya ng pagpipinid ng ika-6 na pulong ng Komisyon ng mga Negosyanteng Tsino at Pranses

2024-05-07 00:46:47  CMG
Share with:

Paris — Kasama ni Pangulong Emmanuel Macron ng Pransya, dumalo at bumigkas ng talumpati gabi ng Mayo 6, 2024 (lokal na oras) si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa seremonya ng pagpipinid ng ika-6 na pulong ng Komisyon ng mga Negosyanteng Tsino at Pranses.


Ipinagdiinan ni Xi na kasalukuyang pinagpaplanuhan at isinasagawa ng panig Tsino ang mga mahalagang hakbangin upang ibayo at komprehensibong mapalalim ang reporma at ipagkaloob ang mas malawak na espasyo ng merkado sa iba’t-ibang bansang kinabibilangan ng Pransya.


Winiwelkam aniya ng panig Tsino ang aktibong pakikilahok ng mga negosyanteng Pranses sa proseso ng modernisasyong Tsino para magkakasamang tamasahin ang pagkakataong dala ng pag-unlad ng Tsina.


Samantala, ipinahayag ni Xi ang kahandaan ng panig Tsino na i-angkat ang mas maraming primera klaseng produktong agrikultural ng Pransya.


Ipinasiya aniya ng panig Tsino na pahabain hanggang katapusan ng 2025 ang visa-free policy sa mga mamamayan ng 12 bansang kinabibilangan ng Pransya.


Ipinagdiinan din ng pangulong Tsino na aktibong palalawakin ng Tsina ang pagbubukas sa labas ng mga industriyang pangserbisyo na tulad ng tele-komunikasyon at medisina, at ibayo pang bubuksan ang merkado ng bansa upang makalikha ng mas maraming pagkakataon sa mga kompanya ng iba’t-ibang bansang kinabibilangan ng Pransya at mga bansang Europeo.


Tinukoy ni Xi na pagkatapos ng dalawang buwan, sasalubungin ang maringal na Paris 2024 Olympics.


Sinabi niya na simbolo ng pagkakaisa at pagkakaibigan ang Olimpiyada. Dapat aniyang igiit ng Tsina at Pransya ang orihinal na inspirasyon ng pagtatatag ng relasyong diplomatiko upang ipagpatuloy ang tradisyonal na pagkakaibigan, kapit-bisig na likhain ang bagong siglo ng kooperasyong Sino-Pranses, at magkasamang isulat ang bagong kabanata ng komunidad na may pinagbabahaginang kapalaran ng sangkatauhan.


Salin: Lito