Palalawakin ng Tsina ang pagbubukas sa labas ng industriyang pangserbisyo — Xi Jinping

2024-05-07 01:43:47  CMG
Share with:

Paris — Kasama ni Pangulong Emmanuel Macron ng Pransya, dumalo at bumigkas ng talumpati gabi ng Mayo 6, 2024 (lokal na oras) si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa seremonya ng pagpipinid ng ika-6 na pulong ng Komisyon ng mga Negosyanteng Tsino at Pranses.


Ipinagdiinan ni Xi na aktibong palalawakin ng Tsina ang pagbubukas sa labas ng mga industriyang pangserbisyo na tulad ng tele-komunikasyon at medisina, at ibayo pang bubuksan ang merkado ng bansa upang makalikha ng mas maraming pagkakataon sa mga kompanya ng iba’t-ibang bansang kinabibilangan ng Pransya at mga bansang Europeo.


Salin: Lito