Visa-free policy ng Tsina sa mga mamamayan ng 12 bansa, pahabain ng Tsina — Xi Jinping

2024-05-07 01:53:48  CMG
Share with:

Paris — Kasama ni Pangulong Emmanuel Macron ng Pransya, dumalo at bumigkas ng talumpati gabi ng Mayo 6, 2024 (lokal na oras) si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa seremonya ng pagpipinid ng ika-6 na pulong ng Komisyon ng mga Negosyanteng Tsino at Pranses.


Ipinagdiinan ni Xi ang kahandaan ng panig Tsino na i-angkat ang mas maraming primera klaseng produktong agrikultural ng Pransya.


Bukod pa riyan, ipinasiya aniya ng panig Tsino na pahabain hanggang katapusan ng 2025 ang visa-free policy sa mga mamamayan ng 12 bansang kinabibilangan ng Pransya.


Salin: Lito