Belgrade, Serbiya — Sa pag-uusap umaga ng Mayo 8, 2024 (lokal na oras) nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Aleksandar Vucic ng Serbiya, ipinahayag ni Xi na magiging mas maganda ang kinabukasan ng relasyong Sino-Serbiyano.
Sinabi niya na sa pamumuno ni Vucic, nananatiling matatag ang situwasyong pulitikal ng bansa, mabilis na umuunlad ang kabuhayan, walang patid na bumubuti ang lebel ng pamumuhay ng mga mamamayan, at malinaw na tumataas ang komprehensibong puwersang pang-estado at katayuang pandaigdig ng Serbiya.
Bilang tunay na kaibigan at mabuting katuwang, taos-pusong ikinasisiya ng panig Tsino tungkol dito, ani Xi.
Sinabi niya na sa harap na masalimuot na kapaligirang panlabas at hamon, iginigiit ng Serbiya ang independiyenteng polisya, buong tatag na ipinagtatanggol ang soberanya, kabuuan ng teritoryo ng bansa at dignidad ng nasyon, at buong tatag na pinangangalagaan ang pagkakapantay-pantay at katarungang pandaigdig.
Dahil dito, nakuha ng Serbiya ang malawakang paggalang ng komunidad ng daigdig, aniya.
Ipinahayag din ni Xi na sa kanyang pananatili sa Serbiya, magkasamang lalagdaan ng kapuwa bansa ang “Magkasanib na Pahayag Tungkol sa Pagpapalalim at Pagpapataas ng Komprehensibo’t Estratehikong Partnership at Pagtatatag ng Komunidad na May Pinagbabahaginang Kapalarang Sino-Serbiyano sa Makabagong Panahon.”
Kasama ng panig Serbiyano, nakahandang magsikap ang panig Tsino upang makapagbigay ng mas malaking ambag sa pagpapasulong ng pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kapalaran ng sangkatauhan, diin pa ng pangulong Tsino.
Salin: Lito