Multilingguwal na serbisyo, inilunsad ng “i Shenzhen”

2024-05-09 15:31:29  CMG
Share with:

Para makapagbigay ng internasyonal at pampublikong serbisyong pampamahalaan, komprehensibong ini-upgrade kamakailan ng lunsod Shenzhen ang aplikasyon na kung tawagin ay “i Shenzhen.”

 

Dahil dito, mayroon na ngayong 9 na tsanel ng serbisyo ang nasabing aplikasyon tulad ng Ingles, Hapones, Koreano, Pranses, Arabe, Espanyol, Ruso, at Portuges.

 

Sa ngayon, ganap nang naisakatuparan ng lunsod ang multilinggwal na serbisyo sa palatapormang mobile at online, at ito ay nagkakaloob ng mas maraming kaginhawahan sa operasyon ng mga kompanya’t indibiduwal na dayuhan sa larangan ng pamumuhunan, pagtatrabaho, pamumuhay, turismo, at iba pa.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio